Maine Mendoza Sinalungat si Joey de Leon Patungkol sa Usapang Depression



Magkasalungat ang opinyon ng Eat Bulaga! hosts na sina Joey de Leon at Maine Mendoza tungkol sa isyu ng depression.

Nabanggit ang depression sa “Juan for All, All for Juan” segment ng daily noontime show ng GMA Network ngayong Huwebes, October 5.


Nagsimula ito nang sabihin ng "Sugod Bahay" winner na "depression" ang diagnosis ng doktor sa kanyang nanay na may edad na.

Agad na nag-react si Joey at sinabing, “Yung depression, gawa-gawa lang ng mga tao 'yan. Gawa lang nila sa sarili nila.”

Sinang-ayunan naman ito ni Jose Manalo.
Sabi niya, “Oo, dine-depress niyo lang ang sarili ninyo, tapos nagkakaroon na ng sakit.
“Kaya nga yung stress, yung stress, diyan nag-uumpisa yun.



“Kasi, kapag tayo ay may sakit, halimbawa, nagpatingin tayo sa doktor, sinabi ng doktor na mayroon kang bukol sa ilong, iisipin mo na kaagad, kakabahan ka na.

“So, hindi natin alam na yung kaba na yun ang nagti-trigger para lumala ang sakit mo.”
Diin pa ni Jose, “Habang ini-entertain mo ang sakit mo, inaalagaan mo, hindi siya aalis.

"Mag-i-stay siya, 'Uy, inaalagaan ako nito, e.' Dito na ako for life."
Pag-sang-ayon naman ni Allan K, “Parang bine-baby mo, 'no, ang sakit mo.”



Magkasama sa loob ng studio sina Joey, Allan K, at Ryan Agoncillo.
Habang kasama naman ni Jose sa barangay sina Maine, Alden Richards, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

MAINE REACTS.

Bagamat sinubukang idaan ni Jose sa biro ang kanyang payo sa ina ng "Sugod Bahay" winner, sumingit si Maine para ipaalalang hindi biro ang makaranas ng depression.

Sabi ni Maine: “Uy, pero hindi biro yun, ha, yung depression.”

Sabi naman ni Joey kay Maine: “Aba, aba, bakit?”


Sagot ni Maine: “Hindi siya joke. Kasi maraming nakakaranas nun, lalo na sa mga kabataan.
“Kaya dapat, kung mayroong nakakaranas ng ganun, bigyan natin ng suporta.”
Sinang-ayunan naman ni Alden ang sinabi ni Maine: “Moral support.”

Pero agad silang binara ni Joey: “Hindi, huwag niyo suportahan, gawa-gawa lang niya yun.”


Makikita sa video na tila napaismid na lang si Maine, 22, sa sinabi ni Joey, 70, bago biglang nawala ang video feed mula sa kinalalagyan ng mga hosts ng “Juan for All, All for Juan” segment.

Samantala, sa studio ay natawa naman sina Joey, Allan K, at Ryan sa pangyayari.

Pagkatapos ay tanong ni Allan K: “Ano ba talaga ang explanation ng depression? Ang dami kasing tao na nagsa-suffer ng depression, e.”


Natatawang sagot ni Joey: “Wala, nagpapasosyal lang. Kapag mayaman, depression. Kapag mahirap, wala, wala kang pag-asa sa buhay.”

Sabay nagtawanan ang tatlong hosts na nasa Broadway Centrum, ang studio kung saan ginaganap ang Eat Bulaga.


Nang bumalik na ang video feed mula sa kinaroroonan ng "Juan For All, All For Juan" segment hosts, maririnig na sabi ni Wally Bayola, “Pero ang sagot diyan, dapat happy lang. Happy lang.”

Sumang-ayon naman dito si Allan K at sinabing, “Huwag ninyong entertain-in ang depression.”

JOEY DE LEON TRENDS ON TWITTER. 


Dahil sa naging pahayag ni Joey tungkol sa depression, kaagad naging trending topic ang kanyang pangalan sa Twitter.

Sari-saring opinyon ang inihayag ng Twitter users sa naging diskusyon ng Eat Bulaga! hosts tungkol sa depression.

Marami ang nadismaya kay Joey at sinabing hindi dapat gawing biro ang paksa ng depression.

Panuoring ang buong video:



Mga Netizen Nag react: 










May ilan ding sumang-ayon sa naging opinyon nina Maine at Alden tungkol sa mga nakararanas ng depression.




May mangilan-ngilan ding nagsabing naiintindihan nila ang naging pahayag ni Joey.


source: pep

THIS BLOG claims no credit for any images posted on this site unless otherwise noted. Images on this blog are copyright to its respectful owners. Photos used are for illustration purposes only. We do not own the photos and no copyright infringement is intended If there is an image appearing on this blog that belongs to you and does not wish for it appears on this site, please E-mail with a link to said image and it will be promptly removed.