John Lylod Cruz Magpapahinga Muna Sa Showbiz. Alamin Kung Bakit.

John Lylod Cruz Magpapahinga Muna Sa Showbiz. Alamin Kung Bakit.


Magpapahinga muna si John Lloyd Cruz sa showbiz.

Ito ay matapos magkasundo ang dramatic actor at ang kanyang home network na ABS-CBN na mag-"indefinite leave" muna si John Lloyd upang asikasuhin ang ilang “personal matters.”
Ayon pa sa official statement mula sa ABS-CBN Corporate Communications: “John Lloyd will be taking a break outside the country and will return to ABS-CBN after his leave of absence.”
Lumabas ang official statement ng ABS-CBN sa ulat ng TV Patrol, ngayong Biyernes ng gabi, October 6.



Nitong mga nakaraang linggo ay naging kontrobersiyal si John Lloyd, 34, matapos mag-viral ang kanyang videos at mga larawang kuha mula sa bakasyon nila ni Ellen Adarna, 29, sa Bantayan Island, sa Cebu.
Pinag-usapan din ang pagpu-post ng aktor ng mga kakaibang larawan sa social media at ang tanong sa tunay na estado ng relasyon nila ni Ellen.
Huling napanood si John Lloyd sa pelikulang Finally Found Someone, kasama si Sarah Geronimo, na ipinalabas noong July 2017.

source: pep

THIS BLOG claims no credit for any images posted on this site unless otherwise noted. Images on this blog are copyright to its respectful owners. Photos used are for illustration purposes only. We do not own the photos and no copyright infringement is intended If there is an image appearing on this blog that belongs to you and does not wish for it appears on this site, please E-mail with a link to said image and it will be promptly removed.