Sneak peek at Aiai Delas Alas' new home ( Fit for a Comedy Queen)


A post shared by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

 Kung may bashers ang John Lloyd-Ellen relationship, maligaya naman si Ai Ai delas Alas dahil wala nang bumabatikos sa relasyon nila ng kanyang fiancĂ©e na si Gerald Sibayan.
Ayon kay AiAi, tanggap na ng publiko ang relasyon niya kay Gerald dahil napatunayan nito ang wagas at tunay na pagmamahal sa kanya.


Noong Biyernes, September 8, nagpamisa at naghanda uli si Ai Ai para sa kaarawan ni Blessed Mother Virgin Mary, isang tradisyon na ginagawa niya bilang pasasalamat sa lahat ng mga grasya na kanyang natatanggap mula sa Panginoon sa pamamagitan ng intercession ng Mahal na Ina.

Kabilang sa mga dumalo sa Holy Mass ang ama at ina ni Gerald. Katabi ng mga magulang ni Gerald ang adoptive mother ni Ai Ai kaya nakita namin na magkasundung-magkasundo sila.
Pagkatapos ng misa at dinner sa village clubhouse, pinuntahan namin ang bagong bahay na ipinatayo at nilipatan ni Ai Ai.

Fit for a Comedy Queen ang tahanan na tumagal ng isang taon at apat na buwan ang construction.
May swimming pool at may labindalawang kuwarto ang three-storey house ni AiAi na may chapel, beauty salon, at gym.

Adjacent sa tahanan ni Ai Ai ang sariling bahay ng kanyang anak na si Sancho delas Alas na may impressive collection ng Superman figures. Isang secret door ang nagdudugtong sa bahay nina Ai Ai at Sancho.

Ai Ai, bagets na bagets sa Minnie Mouse room!


Hindi lamang ang mga anak ni Ai Ai ang may kuwarto sa bahay na ipinatayo niya dahil may sariling kuwarto rin ang pet dogs nila.

Makikita naman sa mini chapel ni Ai Ai ang lahat ng klase ng mga santo na regalo sa kanya ang karamihan.
Puwedeng magdaos ng misa sa mini chapel ng Comedy Queen dahil sa mga pew na nakahilera.
Bumalik sa pagkabata ang mga bisita nang ipakita sa kanila ni Ai Ai ang Minnie Mouse pink room.
Si Minnie Mouse ang favorite Disney character ni Ai Ai at ang lahat ng uri ng Minnie Mouse ang bumulaga sa mga bisita na naaliw sa Minnie Mouse bed, Minnie Mouse sofa bed, cups, glasses, pens  at Minnie Mouse stuffed dolls.


Ang koleksyon niya ng Minnie Mouse items ang katuparan ng pangarap ni Ai Ai.
Noong bata pa siya, hindi naranasan ni Ai Ai na mabili ang kanyang favorite Disney character dahil mahirap ang pamilya niya kaya nang makaipon, isa-isang binili ng aktres ang lahat ng mga gamit na may kinalaman kay Minnie Mouse.

Panoorin ang mga Videos:




THIS BLOG claims no credit for any images posted on this site unless otherwise noted. Images on this blog are copyright to its respectful owners. Photos used are for illustration purposes only. We do not own the photos and no copyright infringement is intended If there is an image appearing on this blog that belongs to you and does not wish for it appears on this site, please E-mail with a link to said image and it will be promptly removed.