REAL TALK: SAMPUNG UTOS SA MAG ASAWA


PAYO SA MAG ASAWA!
1. Pag galit asawa mo wag mong sasabayan. Kailangan isa lang ang galit, kung galit sya hayaan mo sya manahimik ka. Kapag kalmado na tska kayo mag usap at wag matutulog ng magkaaway.

       

2. Self control. Kailangan matuto kang kontrolin ang sarili mo. Hindi pwedeng pag galit ka mananakit ka, magsasalita ng masama o susugod ka.


3. Tanggpin mo kung ano ang asawa mo, pinili mo yan ginusto mo yan, kung anong pangit tanggapin mo, magtiis ka.


4. Pag may problema, pag usapan nyong dalawa, ng pamilya, hindi ng kapitbahay, ng kaibigan at lalo na wag niyo ipost sa fb kapag magkagalit kayo.

       


5. Pag galit sya, marami yang masasabing masasamang salita, wag mo dibdibin isipin mo galit lng sya, ang taong galit wala namang yang sasabihing maganda hindi ka nyan pupurihin, galit sya eh. Gawin mo pasok kanan tainga labas sa kaliwang tainga. At wag kayo mag sisigawan.




6. Laging yakapin ang asawa at mga anak, nakakagamot ng sama ng loob, nakakaluwag ng problema at sa pakiramdam.

 


7. Appreciate mo ang asawa mo, kung pogi/maganda sya sabihin mo ang pogi/ganda nya, ang bango nya, wag mo pagdudahan na kaya sya nagpapapogi/nagpapaganda dahil sa iba, mas dapat ikaw ang unang maka appreciate nun sa knya.



8. Pinakamahalaga ang respect at tiwala kaysa sa love. Dapat yan ang kahit anong mangyari hindi mawawala sa dalawang nagmamahalan.



9. Maging kaibigan ang asawa, pag may hindi pagkakasunduan, wag hayaan humantong sa sakitan at hiwalayan.



10. Open Communication dapat lagi kayong nag uusap, dapat binabalikan nyo ung mga nakaraan nung nagliligawan pa lang kayo, dapat nag de-date pa rin kayo, hanggat maari walang kasamang anak. Pinag uusapan ang problma hindi pinag aawayan.




Anu po masasabi nyo sa mga ito? If you think na nakakatulong share it to your friends, tag your husbands and wives. Keep Sharing!
source: facebook
THIS BLOG claims no credit for any images posted on this site unless otherwise noted. Images on this blog are copyright to its respectful owners. Photos used are for illustration purposes only. We do not own the photos and no copyright infringement is intended If there is an image appearing on this blog that belongs to you and does not wish for it appears on this site, please E-mail with a link to said image and it will be promptly removed