Jose Batang Lagalag at Wally Laking Kumbento, Paano Nga Ba Nagsimula Ang Kanilang Tandem?

Jose Batang Lagalag at Wally Laking Kumbento, Paano Nga  Ba Sila Nagsimula Ang Kanilang Tandem?

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on

Isa sa mga kilalang magagaling na komedyante sina Jose Manalo at Wally Bayola sa Eat Bulaga dabarkdas at Kapuso Network. Pero paano nga ba nag-krus ang landas ng dalawa gayung magkaibang-magkaiba ang kaniyang kinalakihan?

Sa Jose Manalo, o Ariel sa tunay na buhay, ay pasaway at lagalag na batang Tondo. Habang laking kumbento naman sa piling ng tiyuhing pari sa Naga, Camarines Sur si Walter James, na mas kilala sa pangalang Wally Bayola.


A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on


A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on

Kamakailan lang ay muling tinalakay sa Kapuso program na Tunay na Buhay ang kuwento ng buhay nina Jose at Wally, na kapag pinagsama ang pangalan tulad ng mga love team ngayon ay lalabas ang katagang "Jolly."

Pag-amin ni Jose, laki siya sa hirap at maraming trabahong pinasukan tulad ng pagiging padyak o pedicab driver, cigarette at kandila vendor, pagiging clown, paglalako ng damit at iba pa.


Hanggang sa makapasok si Jose bilang ekstra sa dating television series na "Valiente," na produced din ng TAPE Inc., ang kumpanyang nasa likod din ng Eat Bulaga.

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on

Hindi nagtagal, dahil sa kinakitaan ng sipag at dedikasyon sa trabaho, naging production assistant sa Eat Bulaga si Jose, naging floor director, hanggang sa naging host na ng longest runninh noontime show.

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on

Samantala, lumaki naman si Wally sa pag-aaruga ng kaniyang tiyuhin na pari dahil kinailangang magtrabaho sa ibang bansa ang kaniyang ina.

Nang makapagtapos ng kolehiyo, nakasama si Wally sa isang banda sa Naga. At sa isa nilang pagtatanghal, nakilala niya si Andrew de Real, ang may-ari ng isang comedy bar na nag-alok sa kaniya ng trabaho sa Maynila. 

Nang mabuwag ang kaniyang banda, nakipagsapalaran na si Wally sa Maynila at pinuntahan si Andrew at nagsimula siyang maging stand-up comedian/singer.

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on


A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on

Nang mangailangan ang Eat Bulaga ng bagong host, kabilang si Wally sa mga nag-audition at mapalad na nakapasa at napiling maging bahagi ng programa.

Dito na nagsimulang mag-krus ang landas nina Jose at Wally at mabuo ang kanilang samahan patungo sa kanilang tagumpay at paghahatid ng saya sa mga Kapuso at dabarkads ng Eat Bulaga.


A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on


A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on

So what can you say about this story? Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. 

For more news and latest updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.


SOURCE: GMA NETWORK 

THIS BLOG claims no credit for any images posted on this site unless otherwise noted. Images on this blog are copyright to its respectful owners. Photos used are for illustration purposes only. We do not own the photos and no copyright infringement is intended If there is an image appearing on this blog that belongs to you and does not wish for it appears on this site, please E-mail with a link to said image and it will be promptly removed.