Baliktad Na? Girlfriend Nagtaksil Sa Kaniyang "Goodboy" Boyfriend Dahil Boring Raw Ito.


Sa panahon ngayon, kapag naka isang taon kayo ng iyong kapareha, siguro swerte ka. Kadalasan sa mga relasyon ngayon ay umaabot lang ng buwan dahil sa iba't-ibang problemang dumarating sa kanila tulad ng hindi pagkakaintindihan sa isa't-isa.

May ilang nagsasabi, ang mga kalalakihan ang hindi nakukuntento sa isang babae kaya mahirap na raw magtiwala at humanap ng lalaking matino. Pero isang babae ang pinatunayan na hindi lang laging kalalakihan ang hindi nakukuntento, kundi pati rin silang kababaihan.

Isang babae ang ibinahagi sa social media ang kaniyang pagtataksil sa kaniyang boyfriend dahil raw "boring" ito.

Basahin ang buong storya:

I am cheating on my boyfriend because he is so f*kn BORING! Three years na kami. Three years na paulit-ulit. Araw araw. Nakakasawa na. Sobrang boring niya na. Kahit s*x life namin sobrang boring na. Nakakasawa na siya for real. Hindi na ako kinikilig. Wala ng spark. Kahit typical conversation, BORING! Wala na kaming mapagusapan. Ang nonsense. Kaya palaging mainit ang ulo ko sa kanya. Palagi ko siyang inaaway kasi basta. Naiinis lang ako sa mukha niya. Nakakapang init ng ulo ang presence niya. Kung ikukumpara ko siya sa halaman eh, siya yung lanta na. Hindi na ako masaya sa kanya. Nakakaumay na. 

Then luckily, I met somebody. Dun ko nafeel yung thrill. Yung kilig. Yung spark na wala sa boyfriend ko. Naging masaya ulit ako.

Kaya sa boyfriend ko, sana makaramdam kang ayoko na sayo. Cold na nga ako pero ayaw mo paring bumitaw. At hindi ako ang unang bibitaw para wala sakin ang guilt and blame. Hahayaan kitang magkusa. Ipu-push kita sa limitation para ikaw na mismo ang kumalas.

Masiyado ka kasing goodboy. Ang boring mo tuloy.

Sa sinabi niyang ito, maraming netizens ang nagalit at hindi napigilan na magsabi ng masasakit na salita sa babae. Maraming tao ang pinagtanggol ang lalaki dahil sa panahon ngayon, mahirap na humanap ng katulad niya kaya bakit pa ipinagpalit sa iba.

Sabi ng ilan, mas magandang sabihin na lang ang totoo na hindi na siya masaya, kaysa gawing parang isang bata na puwedeng lokohin ang kaniyang boyfriend.

"Good man may be boring, but at least they’re the man with respect and would love you ’till the end."

Some of the netizen's reaction:












Original Post:




What can you say about this story? Share us your thoughts!


source: facebook

THIS BLOG claims no credit for any images posted on this site unless otherwise noted. Images on this blog are copyright to its respectful owners. Photos used are for illustration purposes only. We do not own the photos and no copyright infringement is intended If there is an image appearing on this blog that belongs to you and does not wish for it appears on this site, please E-mail with a link to said image and it will be promptly removed.