Vice Ganda Nagkomento Tungkol sa Isyu ng " GMA is where you belong" Joke niya





Naging trending topic sa social media ang birong ito ni Vice Ganda sa "Miss Q and A" segment ng It’s Showtime: “Kung sinasabing ang GMA ay 'Where you belong,' ba’t sila naglilipatan?”

Ang tinutukoy rito ni Vice ay ang tila sunud-sunod na paglipat ng dating Kapuso stars sa bakuran ng ABS-CBN.
Pero biro lang ito ng comedian-TV host sa mga contestant na sumasalang sa question-and-answer portion ng nasabing segment bago niya ibato ang totoong katanungan para sa kanila.


Sa mga di napanuod ito po ang Video:
         




         
Ayon kay Vice, gusto ng mga Pinoy ang ganitong “shady comments.”

“Naku, gustung-gusto naman ng mga tao ‘yan.
"‘Yang mga shady comments, gustung-gusto nila ‘yan,” pahayag ni Vice nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand opening ng District 8 Gastropub sa Greenhills, San Juan, kagabi, August 17.
Hindi naman pinatulan ng GMA executive na si Ms. Lilybeth Rasonable ang biro ni Vice dahil paraan lang daw ito ng komedyante sa pagbibigay ng joke.
       

Tinawanan lang din ng Kapuso comedian na si Michael V. ang birong ito ni Vice.


source: pep

THIS BLOG claims no credit for any images posted on this site unless otherwise noted. Images on this blog are copyright to its respectful owners. Photos used are for illustration purposes only. We do not own the photos and no copyright infringement is intended If there is an image appearing on this blog that belongs to you and does not wish for it appears on this site, please E-mail with a link to said image and it will be promptly removed.