"It's a celebration of our love team and our love." Julian Trono at Ella Cruz's advance birthday bash


“Sinanay mo ako na laging nasasaktan, e,” ang makahulugan na sagot ni Ella Cruz sa birthday message sa kanya ni Julian Trono sa 21st birthday celebration niya kagabi, August 11, sa Music Hall, Metrowalk.

Sa August 17 pa ang actual birthday ni Ella pero binigyan siya kagabi ng birthday party ng mother studio niya, ang Viva Films at Viva Artists Agency (VAA).
Gulat na gulat si Ella sa pagdating ni Julian dahil nagpasabi na ito na hindi makakadalo na naging dahilan ng pagtatampo niya.

            

“Sa totoo lang, sobrang bad trip niya sa akin, kasi hindi ko siya talaga sisiputin today,” simula ni Julian.
“Pati si Tita [Jessica, Ella’s mother], na-bad trip din sa akin. Akala nila, hindi ako pupunta but I wouldn’t miss it for the world. Hindi mo pa ito birthday pero it’s a celebration of our love team and our love…
“Happiest birthday to you… Ahh… ano ba? To someone who has almost everything, I wish you nothing but peace and joy.

          

“Sana yung smile na yan will stay for a very, very long time and it’s a privilege to be able to see it.
“Actually, kinakabahan ako. This is the first time that I did this. Maraming-maraming salamat for your existence,” ang sabi ni Julian na kabadung-kabado habang sinasabi niya kay Ella nang face-to-face ang kanyang birthday message.

         
  
ELLA’S BITHDAY WISH.

 Kitang-kita sa mukha ni Ella ang kaligayahan dahil sa pagdating ni Julian, at ayon sa kanya, ang maging successful ang launching movie nila, ang Fangirl/Fanboy na magbubukas sa mga sinehan sa September 6, ang nag-iisa na birthday wish niya.

            


“Maging successful ang movie na Fangirl/Fanboy, yun lang ang talagang wini-wish ko sa ngayon.
“Malapit na, sobrang kinakabahan ako pero siyempre, enjoy lang and yung pressure na nararamdaman ko, hinahayaan ko lang na tulungan ako na i-motivate lalo para mas pag-igihan ko pa yung pagpo-promote ko.
             
“Sa lahat ng nararamdaman ko ngayon, ang pinaka-best na nararamdaman ko is thankful and grateful. Kasi yung tiwala na ibinigay sa akin para pagbidahan ko ang isang pelikula.
“Sobrang thankful ako. Minsan lang ito maibigay at may naniwala sa akin. Sobrang thankful ako sa Viva, “ ang pahayag ni Ella sa interview sa kanya.

            


source: pep